Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Target na growth rate, posibleng makamtan ngayong 2012

(GMT+08:00) 2012-02-10 18:25:09       CRI

TARGET NA GROWTH RATE, POSIBLENG MAKAMTAN NGAYONG 2012

Si Socio-Economic Planning Secretary Cayetano Paderanga, Jr.

DAHILAN sa pagbaba ng inflation rate sa 3.9% sa Enero ng taong ito, sinabi ng National Economic and Development Authority na maaaring matamo ng bansa ang nilalaman ng Philippine Development Plan 2011-2016 ang target na tatlo hanggang limang porsiyentong (3-5%) inflation rate para sa 2012 sa paggamit sa 2000-based Consumer Price Index series.

Ayon sa NEDA, ang inflation ay maaaring maapektuhan ng mga pagyanig sa ekonomiya dala ng mga pagbabago sa panahon at anumang dagdag sa sahod at presyo ng petrolyo. Ito ang pahayag ni Socio-Economic Planning Secretary Cayetano Paderanga, Jr.

Ibinalita ng NEDA na ang Philipine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay nagsabing makararanas ang bansa ng banayad na La Nina na mawawala sa pagitan ng Marso at Mayo ng taong 2012. Ang mga pagbaha na dala ng La Nina ang pumipinsala sa maraming mga taniman at mga pagawaing bayan na dahilan ng pagtaas na presyo ng pagkain.

Idinagdag pa ni Ginoong Paderanga na ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay nakaaapekto rin sa presyo ng mga bilihin sa Pilipinas.

Inaasahan na ng NEDA na mas magiging mataas ang presyo ng petrolyo sa taong ito kung ihahambing sa nakalipas na taon, dahilan na rin sa balak ng Iran na isara ang lagusan ng Hormuz bilang tugon sa posibleng European Union oil embargo.

Magkakaroon din ng inflationary pressures mula sa anumang pagtaas ng sahod sa pagpapatupad ng wage orders na ipinag-utos noong nakalipas ng taon.

AKLAT NG PUBLIC ATTORYNEY'S OFFICE, ILULUNSAD SA LUNES

PANAUHING pandangal si Kalihim Leila de Lima ng Kagawaran ng Katarungan sa paglulunsad ng isang aklat ng Codes and References para sa Public Attorney's Office sa darating na Lunes, ika-13 ng Pebrero sa kanilang punong tanggapan sa Quezon City.

Ayon kay Atty. Persida V. Rueda-Acosta, malaking tulong ang aklat sa mga may usapin at maging sa mga abogado ng Public Attorney's Office sa buong bansa. Ang aklat ang naglalaman ng mga impormasyong natamo sa kanilang mga konsultasyon sa mga tagapagtanggol at tinustusan ng American Bar Association – Rule of Law Initiative.

Magiging panauhin din si Ginoong Scott Siment na kinatawan ng American Bar Association.

Dadalaw din ang mga panauhin sa Public Attorney's Office Forensic Laboratory na pangungunahan nina Kalihim de Lima at Ginoong Scott. Ang laboratoryong ito ang siyang saksi sa pag-aaral ng mga dalubhasa sa forensics upang makilala ang mga pagkatao ng mga nasawi sa lumubog na barkong "Princess of the Stars" mag-aaapat na taon na ang nakalilipas.

SECRETARY GENERAL NG INTERNATIONAL MARITIME ORGANIZATION DUMALAW SA PILIPINAS

NAKIPAG-USAP sa matataas na opisyal ng Pilipinas si Ginoong Koji Sekimizu, secretary general ng International Maritime Organization. Paksa ng kanyang pagdalaw ang kahalagahan ng mga magdaragat na Filipino sa pandaigdigang industriya ng shipping.

Ang Pilipinas ang unang bansang dinalaw ni Ginoong Sekimizu matapos maluklok sa kanyang tungkulin noong unang araw ng Enero, taong 2012.

Dumalaw siya kay Pangulong Benigno Simeon C> Aquino III sa Malacanang noong Martes at nakipag-usap kay Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario at Transportation and Communications Secretary Manuel Roxas.

Ayon sa panauhin, kumikilos na ang daigdig upang labanan ang pamimirata at armed robbery sa mga barko sa Gulf of Aden at sa may baybay-dagat ng Somalia, ang pagtugon ng pamahalaan sa nilalaman ng 2010 Manila Amendments to the International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers 1978, pagsunog ng Pilipinas sa IMO Conventions at ang pagsang-ayon ng bansa sa Maritime Labor Convention.

Nakipag-usap din siya sa mga opisyal ng shipping industry ng bansa at mga stakeholders tulad ng Philippine Inter-Island Shipping Association. Dumalaw din siya sa ilang maritime training institutions sa Metro Manila upang pag-aralan ang kalagayan ng mga training program.

Higit umanong palalakasin ang uri ng pagsasanay ng mga magdaragat na Filipino na bumubuo sa 25% ng global manpower ng commercial shipping fleet.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>