|
||||||||
|
||
Mula kamakalawa hanggang kahapon, tinalakay ng 8 bansang Europeo ang hinggil sa sovereign debt crisis para hanapin ang plano ng paglutas.
Lumahok sa nasabing di-opisyal na pulong sa Helsingin, Finland, ang mga Pangulo ng Finland, Alemanya, Italya, Austria, Portugal, Hungry, Latvia, at Slovenia.
Sa preskon pagkatapos ng pulong na ito, sinabi ni Cavaco Silva, Pangulo ng Portugal, na dapat tulungan ng mga kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) ang Greece para maiwasan ang pagbagsak ng Euro Zone. Dagdag pa niyang positibo ang mga ginagamit na hakbangin ng EU, na gaya ng European Stability Mechanism, pangangalaga ng bangko sentral ng EU sa Euro at planong pantulong sa Greece.
Ipinangako ni Pangulong Giorgio Napolitano ng Italya ang pagsasakatuparan ng mga kahilingan ng EU. Aniya, ito kasi ay batay sa responsibilidad ng kanyang bansa para sa pagkakaisa ng Europa.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |