Kaugnay ng walang batayang pagbatikos kamakailan ni Willard Mitt Romney, kandidato sa pagka pangulo ng Republican Party ng Estados Unidos(E.U.), sa mga isyung may kinalaman sa kabuhayan at kalakalan, karapatang pantao, at seguridad ng Tsina, sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng bansa na ang pangangalaga sa matatag at malusog na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang responsibilidad ng dalawang bansa, kundi angkop din sa komong interes nito.
Tinukoy din ni Hong na hindi kailangang bigyan ng reaksyon ng Tsina ang ganitong mga bali-balita.