Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ni Hao Philippines, mainit na tinanggap ng mga mag-aaral sa Haidian, Beijing

(GMT+08:00) 2012-02-29 18:52:58       CRI

Sa okasyon ng Philippine-China 2012-2013 Years of Friendly Exchange (YEE), nakipag-tulungan ang Philippine Embassy sa Tsina, sa Haidian District ng Beijing para idaos ang "Ni Hao, Philippines".

Sa katatapos ng pang-anim at pampitong "Ni Hao, Philippines" sa Primary School Attached to Capital Normal University (CNU), at 5th Yang Fang Dian Primary School, pinamunuan nina Mrs Marla Chua, Ms Myca Fisher, at iba pang tauhan ng Philippine Embassy, kasama ang mga opisyal, guro, estudyante, magulang ng dalawang paaralan, mga taga-CRI Filipino Service, Taga-PKU, at iba pang tauhan.

Nagbigay si Mrs Chua ng pambungad na salita. Sinabi niyang ang Pilipinas at Tsina ay malapit na kapitbansa, at sana sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, magiging mas malapit ang relasyon ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ito ang unang beses na idinaos ang "Ni Hao, Philippines" sa mga paaralan ng Beijing. Nagbigay ang Philippine Embassy ng mga libro sa naturang dalawang paaralan. Masayang masaya sumali ang mga estudyante sa laro at sumabag sa kanta at sayaw na mula sa Pilipinas.

Nakinig din sila ng mga alamat at natuto ng mga salitang Pilipino. Dahil sa aktibidad na ito, nadagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa Pilipinas.

Aktibong naki-isa at mainit na tinanggap ng mga mag-aaral ng Primary School Attached to CNU, at 5th Yang Fang Dian Primary School, ang "Ni Hao, Philippines".

Ayon kay Sun Mingyan, guro sa Primary School Attached to CNU, malaking tulong ang proyektong ito sa adhikain ng paaralan na imulat ang isipan ng mga bata sa kultura at pamumuhay ng mga dayuhan. Sa kasong ito-mga Pilipino, bahagi ng layunin ng eskuwelahan ang paghubog sa mga kabataan para tumaas ang antas ng kaalaman sa "International Affairs".

At sa tulong ng "Ni Hao, Philippines", inaasahang ang mga bata ay magiging handa para maging "little world citizens".

Dagdag pa ni Sun Mingyan, liban sa "Ni Hao, Philippines", sa kanyang paaralan, idinaos ang isang exhibit ng mga school project at medaling nakilala ng mga mag-aaral ang mga bagay na may kinalaman sa Pilipinas.

Ayon kay Myca Fisher, 1st Secretary ng Philippine Embassy sa Beijing, napili ang Haidian, dahil ito ang educational centre ng Beijing at dito makikita ang kilalang mga unibersidad sa bansa.

Ang pagdaraos ng "Ni Hao, Philippines" sa mga mababang paaralan, ay pinakamainam na paraan para makadaupang-palad at makilala ng mga mag-aaral ang mga Pilipino.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>