Binuksan kaninang hapon sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, kataas-taasang organo ng konsultasyong pulitikal ng Tsina.
Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng sesyon ang mga lider ng partido at estado ng Tsina, kasama ang halos 2200 kagawad ng CPPCC.
Sa 10-araw na sesyong ito, tatalakayin ng mga kagawad ang mga mahalagang suliranin sa iba't ibang aspekto ng Tsina na gaya ng pulitika, kabuhayan, lipunan at iba pa. Maghaharap din sila ng mga palagay at mungkahi hinggil dito.