Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gawain ng CPPCC sa 2012, itinakda

(GMT+08:00) 2012-03-03 17:40:00       CRI

Binuksan kaninang hapon sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, kataas-taasang organo ng konsultasyong pulitikal ng Tsina. Lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng sesyon ang mga lider ng partido at estado ng Tsina, kasama ang halos 2200 kagawad ng CPPCC.

Sa seremonya ng pagbubukas, binasa ni Tagapangulo Jia Qinglin ng CPPCC ang ulat hinggil sa gawain ng Pirmihang Lupon ng CPPCC.

Tinukoy niyang noong isang taon, buong taimtim na isinabalikat ng CPPCC ang mga tungkulin ng konsultasyong pulitikal, demokratikong superbisyon, at paglahok at pagtalakay sa mga suliraning pang-estado para mapasulong ang siyentipikong pag-unlad, harmonya ng lipunan at usapin ng kultura. Nagharap ang mga kagawad ng CPPCC ng 6076 na mosyon hinggil sa pagpapalakas at pagpapabuti ng makro-kontrol, pagpapalawak ng pangangailangang panloob, pagpapaunlad ng modernong agrikultura, pagpapasulong ng inobasyong pantekonolohiya, at iba pang isyu. Ang maraming palagay at mungkahi sa mga mosyong ito ay inilakip sa mga plano at patakaran ng bansa.

Pagdating sa gawain ng CPPCC sa taong ito, sinabi ni Jia na ang pokus ng mga gawain ay hinggil sa pagsasakatuparan ng matatag at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayang Tsino at pagpapasulong ng harmonya at katatagan ng lipunan. Aniya, idaraos ng CPPCC ang mga espesyal na talakayin hinggil sa mga paksang ito para makapagharap ng mga mabuting palagay at mungkahi.

Sa 10-araw na sesyong ito, tatalakayin ng mga kagawad ang mga mahalagang suliranin sa iba't ibang aspekto ng Tsina na gaya ng pulitika, kabuhayan, lipunan at iba pa. Maghaharap din sila ng mga palagay at mungkahi hinggil dito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>