Ipinahayag ngayong araw ni Li Zhaoxing, Tagapagsalita ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, na ang rebisadong panukalang criminal law na isusumite sa NPC, ay ibayo pang nagpapakita ng prinsipyo ng paggalang at paggarantiya ng karapatang pantao.
Sinabi ni Li na ang naturang batas ay, pangunahin na, magbabalanse ng relasyon sa pagitan ng pagbibigay-dagok sa mga krimen at paggarantiya ng karapatang pantao ng mga mamamayang Tsino. Sa isang dako, ang batas na ito ay makakatulong sa pagpapadali ng imbestigasyon sa krimen at paghawak ng parusa sa mga kriminal sa paraang pambatas; samantalang igagarantiya rin nito ang kaligtasan ng ari-arian, at mga may kinalamang karapatan ng mga sibilyan.
Salin: Ernest