Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DFA: patuloy na tutulong sa mga Filipino sa ibang bansa

(GMT+08:00) 2012-03-06 18:51:36       CRI

DFA: PATULOY NA TUTULONG SA MGA FILIPINO SA IBANG BANSA

Sinabi ni Kalihim Albert F. Del Rosario (dulong kanan) na patuloy silang naghihintay ng magandang pagkakataon upang makapasok sa Lungsod ng Homs sa Syria upang mailigtas ang mga manggagawang Filipino na naroon pa.

PATULOY na maglilingkod ang mga Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa mga Filipinong nasa iba't ibang bahagi ng bansa. Ito ang binigyang-diin ni Kalihim Albert F. Del Rosario sa isang exclusive interview ng China Radio International at CBCP Online Radio.

Sinabi ni Kalihim del Rosario na ito ang bahagi ng kautusan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanilang mga nasa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas.

Abala ang kagawaran sa mga nagaganap sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa, partikular sa mga bansang Egypt, Tunisia, Libya, Yemen, Bahrain at ngayon ay sa Syria na saklaw ng Alert Level 4.

Mayroon umanong espesyal ng koponan (Rapid Response Team) na binubuo ng mga tauhan ng Philippine National Police, mga tauhan ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay at mga kawani ng Ugnayang Panglabas. Layunin nilang makapasok sa magulong lungsod ng Homs, sabi pa ni Ginoong del Rosario. Balak nilang kunin ang mga manggagawang naroon sa magulong lungsod upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

SPECIAL REPORT
PULISYA: MGA KRIMEN SA BANSA, BUMABABA NA RIN

Ito ang pahayag ni Chief Supt. Agrimero Cruz, tagapagsalita ng Philippine National Police (dulong kalilwa) sa isang exclusive interview ng CRI at CBCPOnline Radio. Pinag-aaralan umano ng pulisya ang mga lugar na madalas pangyarihan ng krimen at kung anong oras ito nagaganap.

KINAKITAAN ng pagbaba ang bilang ng krimen sa Pilipinas mula noong 2009 hanggang sa nakalipas na taon. Ito ang ibinalita sa China Radio International-Filipino Service at CBCP Online Radio ni Chief Supt. Agrimero Cruz, tagapagsalita ng Philippine National Police.

Sa isang ekslusibong panayam kay Chief Supt. Cruz, sinabi niya na kahit tumataas ang presyo ng bilihin at gasoline, hindi naman tumataas ang bilang ng mga nakawan at mga malalaking krimen sa mga nakalipas na taon.

Mula sa higit sa 500,000 criminal incidents noong 2009, bumaba ito sa higit sa 300,000 noong 2010 at umabot na lamang sa 246,958 na insidente noong 2011. Halos 50% ang ibinaba sa criminal incidents noong 2009, dagdag pa ni Chief Supt. Cruz.

Ang pagbabang ito ng criminal incidents ay naganap dahilan sa pagpapabuti ng police integrated patrol system, masusing pag-aaral ng crime statistics at pagsusuri sa "crime clock". Pinag-aralan ng pulisya kung saan madalas maganap ang krimen at kung anong oras ito nangyayari. Sa mga pagkakataong ito, naglalabas ang pulisya ng kanilang mga tauhan upang magpatrolya sa pamamagitan ng paglalakad, paggamit ng police cars at kahit na mga motorsiklo. Ang mga tauhang nakatalaga sa mga tanggapan ng pulisya tulad ng Campo Crame ay pinag-utusan na ring magpatrolya kahit minsan sa isang linggo. Kasama sa pagpapatrolya ang mga tauhan sa administrative section.

Niliwanag ni Chief Supt. Cruz na ligtas ang mga turista at foreign investors sa Pilipinas bagama't mayroong mga isolated incidents noong mga nakalipas na panahon. Mayroong Tourist Police na nakatalaga sa mga pook na madalas dalawin ng mga turista, dagdag pa ni Chief Supt. Cruz.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>