|
||||||||
|
||
Magkakasunod na iniulat kahapon ng mga diyaryo sa Hong Kong ang Government Working Report na inilahad kamakalawa ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina. Ipinalalagay nila na ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ang pangunahing paksa sa ulat na ito.
Inilabas ng mga dyaryo na gaya ng Ta Kung Pao, Wen Wei Po, Hong Kong Economic Times, at iba pa, ang komentaryo na nagsasabing batay sa ulat ni Premyer Wen, mas pahahalagahan ng sentral na pamahalaan ng Tsina ang kalidad at episensya ng pag-unlad ng kabuhayan sa taong 2012. Ito anila ay makakabuti sa sustenableng pag-unlad ng Tsina.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |