Ipinahayag kahapon ni Jay Carney, Tagapagasalita ng White House na pagkaraang panumbalikin ng Iran ang pagtatalastasan nito ng Estados Unidos (E.U.), Rusya, Pransya, Tsina at Alemanya tungkol sa isyung nuklear, pagpapasiyahan ng panig Amerikano ang pakikitungo nito sa Iran ayon sa aksyon ng panig Iranyo.
Sa isang regular na news briefing, sinabi ni Carney na pagkaraang panumbalikin ang talastasan, hihilingin ng E.U. sa Iran na tupdin ang kanyang pananagutang pandaigdig, at kasabay nito, magkaloob ng garantiyang hindi magpapaunlad ng sandatang nuklear.
Samanatala, ipinahayag kamakalawa ng EU na nakahanda ang anim na bansa na panumbalikin ang talastasan at umaasang patuloy na maisasagawa ng panig Iranyo ang konstruktibong diyalogo sa mga nasabing bansa para matamo ang substansyal na progreso.