Sinabi kahapon sa Havana ni Bruno Rodriguez Parrilla, Ministrong Panlabas ng Cuba, na di-makatuwiran at di-matatanggap ng kanyang bansa kung aalisin ito ng Estados Unidos (E.U.) mula sa Ika-6 na Americas Summit na nakatakdang idaos mula sa ika-14 hanggang ika-15 ng April sa Cartagena, Columbia.
Sa isang news briefing, sinabi ni Rodriguez na hindi sorpresa sa kanya ang paninindigan ng E.U. dahil sa mga hostile policy na ipinatutupad nito mabahang panahon na ang nakalipas. Pinasalamatan din niya ang mediyasyong isinagawa ng Columbia para makalahok sa pulong ang Cuba.
Ayon kay Juan Manuel Santos Calderón, Pangulo ng Columbia, tagapangulong bansa ng gaganaping Americas Summit, hindi narating ng 34 na kasaping bansa ng Organization of American States (OAS) ang pagkakaisa hinggil sa isyung kung puwedeng lumahok sa samit ang Cuba. At kaugnay nito, sinabi ni Rodriguez, na para magkaroon ng basbas sa isyung ito, kinakailangan ang pagkatibay ng Washington.