Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, malaki ang aasahan sa pagmimina

(GMT+08:00) 2012-03-13 19:03:27       CRI

PILIPINAS, MALAKI ANG AASAHAN SA PAGMIMINA

MALAKING POTENSYAL NG PAGMIMINA SA PILIPINAS.  Ito ang sinabi ni Ginoong Philip Romualdez, Pangulo ng Chamber of Mines of the Philippines (nasa gitna) sa idinaos na forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga.  Higit umano sa P 47 trilyon ang matatamo ng bansa kung mamimina ang likas na yaman ng Pilipinas.

MALAKI ang pag-as ang umangat ang kalagayan ng Pilipinas kung makukuha ang likas na yamang na sa ilalim ng lupa.

Sa isang panayam kay Philip Romualdez, pangulo ng Chamber of Mines of the Philippines ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, may potensyal na yaman ang bansa na nagkakahalaga ng $840 bilyon o P47 trillion na sampung ulit ng taunang Gross Domestic Product.

Ani Ginoong Romualdez, pangatlo ang Pilipinas sa daigdig kung ginto ang pag-uusapan. Pang-apat naman ang Pilipinas sa tingga, panglima sa nickel at pang-anim sa chromite.

Tatlumpu't isang minahan ang may operasyon ngayon. May isang nickel processing plant, isang copper smelter at isang gold refinery. Tanging ang Bangko Sental lamang ang may gold refinery sa Pilipinas.

Higit sa pitongdaa't limampung mga kasunduan ang nilagdaan ng pamahalaan sa mga kumpanyang magnegosyo sa bansa. May 1,620 mining applications ang pinoproseso ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang nakababahala umano sa Chamber of Mines ay ang may 300,000 small-scale miners na karamiha'y illegal.

Pinabulaanan ni Ginoong Romualdez ang kwento na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga minahan. Hindi umano totoo ang sinabi ni Finance Secretary Cesar Purisima na umaabot lamang sa P 2 bilyon ang buwis na nagmula sa sektor ng pagmimina.

Sinabi ni Ginoong Romualdez na nagbabayad sila ng P 10 bilyon taun-taon mula noong 2007 hanggang 2009 ayon mismo sa datos ng Bureau of Internal Revenue at Mines and Geosciences Bureau.

Noong 2010, halos P 14 bilyong halaga ng buwis ang kanilang ibinayad sa pamahalaan.

Hindi lamang umano 2% excise tax, customs duties sa mga importation, VAT, capital gains tax at iba pang buwis ang kanilang binayaran.

Sa kanilang gastos sa mga komunidad, umabot na sa P 370 milyon sa social projects samantalang P 190 milyon na ang naibayad nila sa mga katutubo bilang royalties sa kita sa mga naipagbiling mineral na nagmula sa mga kabundukang may mga katutubo.

WARRANT OF ARREST, IPINALABAS LABAN SA MGA ARROYO HINGGIL SA NBN-ZTE DEAL

IPINALABAS ng Sandiganbayan ang pagdakip kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa kanyang mister na si Atty. Jose Miguel Arroyo tungkol sa naudlot na NBN-ZTE telecommunications agreement.

Liban sa mga Arroyo, ipinadarakip din sina dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos at dating Transport Secretary Leandro Mendoza. Kanina lamang ipinalabas ang warrant of arrest.

Nasa detention na si dating Pangulong Arroyo at dating Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos.

Unang usaping kinakaharap ni dating Pangulong Arroyo ang electoral sabotage na dinirinig na sa Pasay City Regional Trial Court. Not guilty plea ang ipinaabot sa hukuman ng dating pangulo ng bansa.

Sa ikalawang kaso, paglabag umano sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kapwa niya akusado si First Gentleman Arroyo, dating Comelec Chairman Abalos at Transport Secretary Mendoza.

Pinagpapyansa si Pangulong Arroyo ng P 70 libo para sa dalawang counts ng graft and corruption samantalang pinagbabayad sina Ginoong Arroyo, Abalos at Mendoza ng tig-P 30,000 bawat isa.

Nagsimula na ang Sandiganbayan ng paglilitis laban kay Ginoong Abalos noon pa mang 2010.

Ayon sa Sandiganbayan, kailangan pa silang magpiyansa sa usaping may kinalaman sa ZTE-NBN.

Ang usaping may kinalaman sa NBN-ZTE ay ibinase sa Senate testimonies noon pang 2008 sa pahayag ni Dante Madriaga na nagsabing overpriced ang proyekto ng $ 130 million upang mabayaran ang mga panuhol.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>