|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag, ipinahayag ni Ginoong Ma Mingqiang, Pangkalahatang Kalihim ng Sentro ng Tsina at ASEAN, na ang pagpapasulong ng pamumuhunan at kalakalan at pagpapalakas ng pagpapalitang edukasyonal at kultural ay depende sa pagpapalagayan ng mga tauhan. Nagsisilbing isa sa mga nukleong misyon ng kanyang sentro ang pagpapasulong ng bilateral na pagpapalagayan ng mga tauhan.
Sinabi ni Ma na sapul nang magsubok sa operasyon noong nakaraang Agosto, marami ang ginawa ng Sentro ng Tsina at ASEAN sa limang larangang kinabibilangan ng kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, kultura at turismo. Nasa preliminaryong yugto pa ang sentrong ito, at nakikipagsanggunian sa iba't ibang panig para itakda ang mga regulasyon.
Sa kasalukuyan, aktibong ipinapatupad ng Tsina at ASEAN ang plano sa pagpapalitan ng mga estudyente. Sa pamamagitan ng pagpapalaki ng bilang ng exchange students sa isa't isa, maisasakatuparan ang target na kapuwa aabot sa humigit-kumulang 100 libo ang bilang ng mga estudyente ng ASEAN sa Tsina at mga estudyenteng Tsino sa ASEAN. Ayon sa salaysay ni Ginoong Ma, lumampas na sa 90 libo ang bilang ng mga mag-aaral na Tsino sa 10 bansang ASEAN, at mahigit 50 libo naman ang bilang ng mga mag-aaral ng ASEAN sa Tsina. Ipinatalastas na ng panig Tsino na sa loob ng darating na 10 taon, ipagkakaloob nito ang government scholarship sa 10 libong estudyente sa mga bansang ASEAN, at aanyayahan ang 10 libong kabataang guro, iskolar at estudyente ng ASEAN para lumahok sa mga aktibidad ng pagpapalitan sa Tsina.
Sinabi pa ni Ma Mingqiang na di-maiiwasan ang pangingibabaw ng ilang di-pagkaunawa o maling pagkaunawa sa isa't isa, ang susi nito ay dapat unti-unting resolbahin ang mga problema sa pamamagitan ng pagpapalitan at pagtutulungan. Dapat anyayahan ang mas maraming mamamayang ASEAN na magsadya sa Tsina para malaman ang kabuhayan, lipunan at kultura ng Tsina, samantalang enkorahehin ang mas maraming Tsino na bumisita sa iba't ibang bansa ng ASEAN para maramdaman ang kasaysayan, kabuhayan, lipunan at kultura doon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |