Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglulunsad ng "Years of Friendly Exchanges" pinamunuan ni Kalihim Del Rosario

(GMT+08:00) 2012-03-21 19:03:05       CRI

PAGLULUNSAD NG "YEARS OF FRIENDLY EXCHANGES" PINAMUNUAN NI KALIHIM DEL ROSARIO

YEARS OF FRIENDLY EXCHANGES INILUNSAD.  Si Kalihim Albert F. del Rosario samantalang bumabati sa lahat ng dumalo sa paglulunsad ng "2012-2013 YEARS OF FRIENDLY EXCHANGES" kagabi sa Bulwagang Apolinario Mabini ng Kagawaran ng Ugnyanag Panglabas.  Mahalaga ang palatuntunang ito upang higit na naging malapit ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.

MAKASAYSAYAN ang paglulunsad ng "2012-2013 Philippines-China Years of Friendly Exchanges" sa Bulwagang Apolinario Mabini sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas kagabi.

Si Kalihim Albert F. del Rosario pa ang namuno sa palatuntunan. Sa pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Tsina noong nakalipas na taon, nagkasundo sila ni Pangulong Hu Jintao na gawin ang mga taong 2012 at 2013 bilang mga taon ng ibayong pagkakaibigan.

Ani ni Kalihim del Rosario, ang paglulunsad ng Years of Friendly Exchanges ay isang napapanahong pagkilala sa matagal nang kasaysayan ng pagkakaibigan at isang paraan upang higit na mapagibayo ang maayos at magandang relasyon.

MGA PINUNONG TSINO AT PILIPINO SA PAGLULUNSAD NG "YEARS OF FRIENDLY EXCHANGES."  Nasa dulong kaliwa si Chinese Ambassador to the Philippines Ma Keqing, Vice Minister for Agriculture Niu Dun, ang special envoy to the Philippine Launch of the Years of Friendly Exchanges, Kalihim Albert F. Del Rosario at ang panauhing tagapagsalita Ginoong Washington Sycip sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas kagabi.

Pinamunuan ni Chinese Ambassador to the Phlippines Ma Keqing at Vice Minister for Agriculture Niu Dun, ang special envoy to the Philippine launch of Years of Friendly Exchanges ang delegasyon ng mga Tsino sa palatuntunan.

Si Ginoong Washington Sycip, isang iginagalang na sandigan ng Filipino-Chinese community at business leader sa Asia-Pasipiko ang naging keynote speaker. Isa siya sa mga nagtatag ng Sycip, Gorres and Velayo accountancy firm at Asian Institute of Management.

Sa loob ng dalawang taong ito, higit na magkakaroon ng pagpapalitan ng pagdalaw ang mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas, kabataan, mangangalakal, alagad ng akademya at sining, manlalaro at mga mamamahayag. Layunin ng mga pagdalaw na ito na mapalakas ang pag-uunawaan at pagtitiwala sa bawat isa ng Pilipinas at Tsina at ng mga Tsino at mga Filipino. May serye ng mga programa, lectures, mga konsiyerto at iba pa.

May 250 mga panauhin mula sa diplomatic corps, pamahalaan, Filipino – Chinese community, mga bantog na mangangalakal, akademya at cultural personalities ang dumalo sa pagtitipon.

Ang Ballet Philippines, isa sa mga kalahok na samahan sa Years of Friendly Exchanges, ang nagtanghal ng mga bahagi ng Mutya ng Pasig, Init ng Halik at Tambol at Padyak. Nagtanghal din ang mga alagad ng sining mula sa Cultural Center of the Philippines.

Sa susunod na buwan, pamumunuan ng Ministry of Foreign Affairs ng China at ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries ang paglulunsad ng friendly exchanges sa Beijing.

PAMILYANG PILIPINO NAHAHARAP SA HAMON NG PANAHON

MARAMING HAMONG HINAHARAP ANG MGA PAMILYANG PILIPINO.  Ito ang binigyang-diin ni Arsobispo Oscar V. Cruz sa panayam ng CRI - Filipino Section kanina. Ipinaliwanag ng arsobispo na malaki ang epekto ng globalized media sa takbo ng pamilyang Pilipino.

NAGBABAGO ang kultura ng Pilipinas dahilan sa impluensya ng media mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Ito ang pahayag ni Arsobispo Oscar V. Cruz sa panayam ng China Radio International kaninang umaga.

Ayon sa arsobispo na siyang namumuno sa National Appellate Matrimonial Tribunal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, iba't ibang palabas ang napapanood, nakikita at nababasa mula sa media na wala nang moralidad. Anang arsobispo, ang "globalization" ng media ay nakatutulong sa pagbabago ng kalakaran sa loob ng tahanan o pamilya.

Kasama rin sa kanyang pinuna ang mga uri ng pelikulang ipinalalabas, kasabay na rin ng pagkalat ng mga malalaswang video cassettes at mga dvd movies. Nakalulungkot rin umano ang pamumuhay ng ilang mga artista at maging mga pamilyang sobrang dami ng mga salapi.

Kahit umano ang mga mayayamang mamamayang nagbibilang ng asawa, ng mga katipan ang nakakaimpluensya sa mga may pamilya.

Ikinalungkot ng arsobispo na ang mga maaayos at matitinong pamilya ay hindi man lamang napapansin ng madla sapagkat hindi naman isinasama sa mga balita ng mass media. Hindi umano material ang mga matitinong pamilya para sa special feature ng mga pahayagan, telebisyon at radio.

Ang kahirapan naman ay isa sa suliranin ng pamilyang Filipino ngayon. Ito ang pananaw ni Arsobispo Oscar V. Cruz, dating arsobispo ng Lingyen-Dagupan at ngayo'y pinuno ng National Appellate Matrimonial Tribunal sa Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Ayon kay Arsobispo Cruz, isang malaking hamon umano sa mga mag-asawa na maitaguyod at mapalaki ang mga supling upang maging mga responsableng mamamayan. Bukod sa mahal ang bilihin at di naman nadaragdagan ang sahod ay tumataas pa ang krimen sa lansangan at maging sa mga tahanan din.

Binanggit ni Arsobispo Cruz na bagama't nakalulungkot ang katotohanan na mayroong mga ama o ina na nananakit at nag-aabuso ng mga anak.

Nararapat umanong magtulungan ang Simbahan at pamahalaan upang higit na maipagsanggalang ang mga supling.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>