Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Amir ng Kuwait, dadalaw sa Pilipinas bukas

(GMT+08:00) 2012-03-22 18:40:29       CRI

DARATING bukas sa Pilipinas ang Amir ng Kuwait, His Highness Sheikh Sabah al Ahmad Al Jaber Al Sabah sa isang state visit hanggang sa Martes, ika-27 sa buwan ng Marso, sa paanyaya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Nakatakdang mag-usap ang dalawang pinuno ng bansa upang talakayin ang pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng dalwang bansa. Makakadaupang palad din ng Amir at ng kanyang delegasyon ang iba pang matataas na opisyal ng Pilipinas.

Ayon Kalihim Albert F. del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang pagdalaw ng Amir ay pagpapakita lamang ng magandang relasyon ng Pilipinas at Kuwait at ang anumang mapapagkasunduan ay makabubuti sa larangan ng paggawa, kalakal at pamumuhunan.

Ang Kuwait ang isa sa mga nangungunang investment and development partners Pilipinas sa Gitnang Silangan. Ang investments ng Kuwait sa Pilipinas ay kinabibilangan ng Gateway Logistics City, isang 177 ektaryang aviation-oriented logistics and business center sa Clark Freeport, Pampanga. Mayroong 130,000 mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.

Sa Daigdig ng Kalakal -

AYALA LAND, GAGASTOS NG P 60 BILYON SA ANIM NA PROYEKTO SA MAKATI

P60 BILYON, NAKALAAN PARA SA AYALALAND, INC. Humarap sa mga mamamahayag si Ginoong Antonino T. Aquino, Pangulo at Chief Executive Officer ng AyalaLand, Inc. upang ibalita ang gagawing pagpapaganda at pagsasaayos ng kanilang ari-arian sa Lungsod ng Makati.  Ipinaliwanag ni Ginoong Aquino na kung ang Tsina ay may political capital sa Beijing, ang business at entertainment hub naman ang nasa Shanghai.  Sa Estados Unidos umano ay may Washington bilang political capital samantalang ang business at entertainment capital ay nasa New York.

PURSIGIDO ang AyalaLand, Inc. na gawing "business, lifestyle, entertainment and cultural center" sa madaling panahon ang Lungsod ng Makati, partikular ang kanilang mga nasasakupang ari-arian at higit na pasiglahin ang larangan ng kalakal.

Ito ang binigyang-diin ni Antonino T. Aquino, Pangulo at Chief Executive Officer ng AyalaLand, Inc. sa isang briefing para sa mga mamamahayag.,

Umaasa silang maayos ang takbo ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Aquni at nasa tamang lugar umano ang economic fundamentals kaya't maaari silang makipagkumpetensya sa ibang mga lungsod. Suportado ang isa sa pinakamalaking korporasyon ng Pamahalaang Lungsod at Makati Commercial Estates Association. Kabilang sa kanilang mga gagawin ay ang pagpapa-unlad ng anim na distritong titiyak na makatutugon sa iba't ibang pangangailangan ng iba't ibang sektor.

Ang halagang P 60 bilyon sa susunod na limang taon, ay pagpapakita lamang ng katapatang isaayos at higit na pagandahin ang lungsod. Sa kanilang ari-arian sa Sta. Ana district, nakatakdang gumastos ang AyalaLand, Inc. ng P 20 bilyon sa susunod na limang taon.

Ang AyalaLand ay mayroong ding investments sa Bonifacio Global City na nagkakahalaga ng P 37 bilyon sa susunod na limang taon at Nuvali na gagastusan din nila ng P 12.5 bilyon sa susunod na limang taon.

Samantala, isinasaayos na rin ng korporasyon ang kanilang mga programa sa Pampanga, Baguio at Subic samantalang mayroon din silang gagawing mga proyekto sa Cagayan de Oro, Davao, Iloilo, Bacolod at Cebu.

Kumita umano ang AyalaLand, Inc. ng P 24 bilyon o 60% ng lahat na kita ng korporasyon noong 2011 ang nagmula sa residential projects. Mayroong P 4.4 bilyon naman ang kinita ng kanilang mga residential projects sa Makati, ang ALP-Park Terraces 1-3 na P 2.3 b, Alveo (Lerato) P1.4 bilyon at Avida San Lorenzo na nagkaroon ng P 717 milyong tubo noong 2011.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>