Sa New Delhi, India — Sa kanyang talumpati sa ika-4 na BRICS Summit, iniharap ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang 4 na mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng kooperasyon ng mga bansang BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina at Timog Aprika. Ang naturang 4 na mungkahi ay kinabibilangan ng paggigiit ng komong pag-unlad at pagpapasulong ng komong kasaganaan; paggigiit ng pantay na pagsasanggunian at pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal; paggigiit ng pragmatikong kooperasyon at pagpapatibay ng pundasyong pangkooperasyon; at paggigiit ng kooperasyong pandaigdig at pagpapasulong ng pag-unlad ng buong mundo.
Binigyang-diin pa ng pangulong Tsino na buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at igigiit ang bukas na estratehiya para mapasulong ang komong pag-unlad ng daigdig, kasabay ng pagsasakatuparan ng sariling pag-unlad.
Salin: Li Feng