Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagsabog sa Palawan, sinisiyasat na

(GMT+08:00) 2012-04-06 19:30:42       CRI

MGA PAGSABOG SA PALAWAN, SINISIYASAT NA

SINISIYASAT pa ng mga autoridad kung anong dahilan ng dalawang magkahiwalay na pagsabog sa Lalawigan ng Palawan kahapon.

Ayon sa pinakahuling ulat impormasyong natanggap ng China Radio International mula sa mapapagkatiwalaang sources, naganap ang unang pagsabog mga ika-lima't kalahating hapon kahapon sa isang basurahan malapit sa tanggapan ng APT Travel and Tours at isang hotel sa Masagana St., sa Zone 3 ng bayan ng El Nido. Isang nagngangalang Aiza Gay Mall ari isang kusinera sa otel at nagtatapon lamang ng basura ang sinamang palad na nasugatan sa pagsabog.

Samantala, isang improvised explosive device ang sumabog sa isang sasakyan ng Royal Bus sa terminal nito sa Barangay San Jose, Puerto Princesa City mga alas-singko kwarenta ng hapon kahapon din.

Nakalagay umanoang bomba sa loob ng isang sakong naglalaman ng bigas sa likurang bahaging bus. Naibalita ng nasugatan sina Cenon Magdayo, 75 taong gulang at isang tsuperng tricycle at isang Marivic Aria, 28 taong gulang. Si Aria ang pinaniniwalaang may dalang kargamento.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasugatan si Aria sa kaliwang paa samantalang nagkaroon rin mga galos si Magdayo sa noo at sa paa. Dinala sila sa pinakamalapit na pagamutan.

Naganap ang pagsabog mga dalawampung minuto matapos humimpilang bus sa terminal.

Nagtutulungan ngayon ang mga tauhan ng pulisya at mga militar sa ilalim ng AFP Western Command upang makuha ang mahahalagang detalyes na may kinalaman sa mga pagsabog. Kamakailan ay nagkaroon din ng pagsabog malapit sa Underground River.

BETERANONG MAMAMAHAYAG, PUMANAW NA

PUMANAW na ang isa sa mga institusyon ng pamamahayag sa telebisyon kahapon ng hapon. Iginupo ng karamdamang kanser sa baga si Angelo Castro, Jr. sa edad na 67 taong gulang.

Bantog ng newscaster si Ginoong Castro ay karaniwang napapanood sa palatuntunang "The World Tonight" ng ABS-CBN News Channel mula pa noong 1986.

Nalagutan siya ng hiningasa St. Luke's Medical Center na kanyang kinaratayan sa loob ng tatlong buwan.

Naulila ni Ginoong Castro ang kanyang maybahay na radio-television personality na si June Kiethley at ilang mga supling.

Nagpaabot rin ng pakikiramay angTanggapan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Pinapurihan ang namayapang newscaster na kinakitaan ng hinahon sa gitna ng mga maiinit na balita. Nakasamarin siya sa newscast na pinamagatang "TV Patrol." Nabatid ang kanyang karamdamang kanser noong 2008 at tinaninga ng mabubuhay na lamang sa loob ng tatlong buwan.

HAYAGANG PAGPIPINETENSYA, NAKAKABAWAS NG KATUTURAN

NGAYONG Biyernes Santo, maraming dumalaw sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga upang saksihan ang mga pagpipinetensya at pagpapapako sa krus ng ilang mga namamanata.

Ayon kay San Fernando Auxiliary Bishop Pablo Virgilio S. David, ang "public display" ng pagpipinetensya ay nakakabawas sa halagang ispirituwal. Mayroon umanong mga nagpipinentensya na nagtatakip ng kanilang mukha upang hindi makilala at hindi makatawag ng pansin.

Subalit ikinababahala ni Obispo David ang karaniwang ginagawa sa Barangay Cutud, sa San Fernando City sa pagkat nakatatawag silang pansin ng mga mamamahayag at mga turista.

"Ipinapagunita naming sa mga taga-Cutud na ang pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo ay hindi niya kagagawan at maituturing na hindi 'self-inflicted,'" dagdag pa ng obispo.

Higit na may kahulugan ang pakikiisang mga mananampalataya sa pasyonng Panginoong Hesukristo sa pagharap sa mga pagsubok ng may ibayong hinahon at pananalig sa pagliligtas ng Panginoong Diyos, ayon pa kay Monsignor David.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>