Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Tsina na nagharap na ang panig Tsino ng pormal na representasyon sa panig Pilipino kaugnay ng stand-off ng mga bapor ng panig militar ng Pilipinas at mga bapor pangisda at mangingisda ng Tsina sa karagatan ng Huangyan Island sa South China Sea.
Binatikos naman ni Liu ang pananalita ng panig Pilipino na ang Huangyan Island ay di-maihihiwalay na bahagi ng Pilipinas. Aniya, ang naturang mga aksyon ng panig Pilipino ay lumalabag sa komong palagay ng Pilipinas at Tsina hinggil sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng South China Sea na naglalayong pigilin ang pagsalimuot at paglawak ng mga hidwaan. Nanawagan siya sa panig Pilipino na magsikap, kasama ng panig Tsino, para makalikha ng magandang kondisyon sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai