|
||||||||
|
||
Pumasok kamakailan ang bapor na pandigma ng hukbong pandagat ng Pilipinas sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island ng Tsina sa South China Sea, at ginagambala ang mga bapor-pangisda ng Tsina sa Huangyan Island sa katwiran ng umano'y "pangangalaga sa soberanya". Napapanahong itinigil ng panig Tsino ang ganitong kilos, at pagkatapos nito, nakakomprontasyon ang dalawang panig. Kaugnay nito, iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Pilipino.
Madalas na gumagawa kamakailan ang Pilipinas sa South China Sea ng mga bagay na malubhang salungat sa "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea" na nilagdaan ng Tsian at mga bansang ASEAN noong 2002 at mga prinsipyo sa aksyon nito.
Nitong nakalipas na dalawang taon, sinasamantala ng ilang bansa sa paligid ng South China Sea ang puwersa ng ibayong-dagat para lamang lumikha ng problema sa isyu ng SCS, bagay na hindi lamang lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, kundi lumalabag din sa komong palagay ng mga kinauukulang panig hinggil sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea at di-pagpapasalimuot at pagpapalawak ng kalagayan ng isyung ito.
Ang esensya ng isyu ng South China Sea ay hidwaan sa pagitan ng Tsina at ilang bansa sa paligid ng karagatang ito tungkol sa soberanya ng mga isla at batuhan sa South China Sea at demarkasyong pandagat. Sa Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea, gumawa na ang mga bansa sa paligid ng karagatang ito na kinabibilangan ng Pilipinas ng malinaw na pangako sa pagresolba ng mga problema sa pamamagitan ng talastasan.
Batay sa pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng South China Sea, sa mula't mula pa'y naggigiit ang Tsina sa prinsipyong "pagsasa-isang-tabi ng alitan, magkakasamang paggagalugad", at nananangan sa paghanap ng kalutasan sa mga problema sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian. Pero, ang paggigiit sa paglutas sa mga problema sa pamamagitan ng talastasan ay hindi nangangahulugan ng pagtakwil ng sariling paninindigan. Nananatiling maliwanag at buong tatag ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa mga isyung may kinalaman sa soberanya at karapatan at kapakanang pandagat. Umaasa ang panig Tsino na mababatay ang panig Pilipino sa pagkakaibigan ng dalawang bansa at pangkalahatang kalagayan ng South China Sea, at magsisikap, kasama ng panig Tsino, para likhain ang mainam na kondisyon para sa malusog at matatag ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |