Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Huangyan Island ay likas na teritoryo ng kanyang bansa. Aniya, ang sanhi ng standoff ng mga bapor ng Tsina at Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Island ay sumalakay ang panig Pilipino sa mga mangingisdang Tsino sa karagatang ito at lumapastangan sa soberanya ng Tsina. Dagdag niya, ang aksyong ito ng Pilipinas ay lumalabag sa komong palagay nila ng Tsina hinggil sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea at hindi pagpapasalimuot at pagpapalawak ng kalagayan.
Binigyang-diin ni Liu na ang pagpapadala ng Tsina ng mga maritime surveillance ships sa Huangyan Island ay normal na aktibidad ng pagpapatupad ng batas at ito rin ay naglalayong igarantiya ang kaligtasan ng mga mangingisdang Tsino.
Sinabi rin niyang hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na batay sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa, magsikap kasama ng Tsina, para maayos na malutas ang pangyayaring ito sa lalong madaling panahon.