Nakabalik na kamakalawa ng gabi sa puwerto sa timog Tsina ang isa sa 12 bapor pangisda na Tsino na niligalig ng bapor pandigma ng Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Island, sa South China Sea.
Pagkaraang tangkaing hulihin ng hukbong pandagat ng Pilipinas ang naturang mga bapor pangisda, agarang nagpadala ang panig Tsino ng dalawang marine surveillance ships sa naturang karagatan para magkaloob ng proteksyon sa mga ito. Ayon pa rin sa ulat, sa kasalukuyan, nakaalis na ng karagatan ng Huangyan Island ang lahat ng 12 bapor.
Salin: Liu Kai