Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pinoy, pagtutol sa magkasanib na pagsasanay na militar ng Pinas at E.U.

(GMT+08:00) 2012-04-16 17:10:47       CRI

Nagprotesta kamakailan ang mga Pinoy sa labas ng Embahada ng Estados Unidos (E.U.), laban sa magkasanib na pagsasanay na militar ng Pilipinas at E.U. na idinaraos mula sa araw na ito hanggang ika-27 ng buwang ito.

Ang nasabing pagsasanay ay may codename na shoulder to shoulder. Tinayang lalahok sa pagsasanay na ito ang 4500 kawal na Amerikano at 2300 kawal na Pilipino. Nagpadala ang ibang pitong bansa na gaya ng Hapon, Timog Korea, at Biyetnam ng mga tagamasid para lumahok sa pagsasanay ng makataong tulong at gawaing panaklolo, bahagi ng pagsasanay na ito.

Kasabay ng pagsasagawa ng nasabing pagsasanay, patuloy na nagsasagawa ang mga samahang pansibilyan ng Pilipinas, na kinabibilangan ng New Patriotic Union, National Organization for Women Alliance at iba pa, ng protesta laban sa pagsasanay. Kinondena ng mga demonstrador na inorganisa ng nabanggit na organisasyon ang E.U. na ginawang play ground of war games ang Pinas.

Tinukoy ni Manlan Gan, kagawad ng National Organization for Women Alliance, na ang pagsasanay na militar ay naglalayong tanggapin ng Pilipinas ang pagtalaga ng E.U. ng tropa sa bansang ito.

Bukod dito, ipinahayag ng nabanggit na organisasyon na ang mga tropang Amerikano na nakatalaga sa rehiyong Asia-Pasipiko ay gumagawa ng mga karahasang malubhang nananakit sa mga bata at babae sa lokalidad. Sinabi pa nito na makikipagtulungan sa mga organisasyong pambabae sa rehiyong Asya-Pasipiko para salungatin ang ganitong marahas na aksyon ng tropang Amerikano.

Sapul nang lumagda ang Pilipinas at E.U. sa visiting forces agreement noong 1998, itinalaga ng panig militar ng E.U. ang ilang daan kawal sa Mindanao. Pero, nananatili pa rin ang tinig na humihiling sa Pilipinas na susugan ang kasunduang ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>