Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Migrant workers, paksa ng labor ministers ng Asia

(GMT+08:00) 2012-04-16 19:14:16       CRI

ANG mga manggagawang mula sa iba't ibang bansa ang sentro ng pagpupulong ng mga ministro ng paggawa mula sa 19 na bansang nasa Asia at Gitnang Silangan mula bukas hanggang sa Huwebes. Magkakaroon din ng higit na pakikipag-usap sa mga kabilang sa civil society.

Ito ang ibinalita ng Migrant Forum Asia at Human Rights Watch ngayon. Ang pagpupulong ay bahagi ng naunang pagpupulong na pinamagatang Abu Dhabi Dialogue, na isang inter-regional consultation sa pagitan ng mga bansang nagpapadala ng mga manggagawa at mga bansang tumatanggap ng migrant workers.

Bagama't hindi inanyayahang lumahok ang civil society groups, magkakaroon sila ng kasabay na consultation process.

Ayon kay William Gois, regional coordinator ng Migrant Forum in Asia, isang samahan ng higit sa 200 migrants' rights groups sa Asia, mahalaga ang pagtutulungan ng iba't ibang bansa upang mapataas ang antas ng mga karapatan ng manggagawa. Nais din nilang malaman kung ano ang tunay na nagaganap at maging bahagi ng proseso.

Paguusapan nila ang nilalaman ng 2012 Framework of Regional Collaboration of the Abu Dhabi Dialogue na titiyak sa pagkakaroon ng pagkilala sa domestic, bilateral at multilateral measures para higit na makinabang ang mga manggagawa ng nangingibang-bansa. Aalamin din ang pinakamagagandang ginagawa ng mga bansa at mga rekomendasyon sa recruitment, trabaho sa ibang bansa, paghahanda sa kanilang pag-uwi sa pinagmulang bansa at ang reintegration.

Mahalaga rin umano ang mgahakbang upang maiwasan ang pag-abuso at pagkakaroon ng mas magandang benepisyo mula sa migration. Susuriin din ang recruitment costs, bubuo ng pamantayan sa mga kontrata ng paggawa at ang pagpapanagot sa recruitment agencies para sa mga gawang local labor brokers.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>