|
||||||||
|
||
Hiniling kahapon ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa pamahalaan ng Pilipinas na iurong ang bapor nito na kasalukuyang nasa rehiyong pandagat sa pagilid ng Huangyan Island (tinatawag ng Pilipinas na Scarborough Shoal). Ayon sa salaysay, ang naturang bapor ay nagsasagawa ng gawaing pang-arkeolohiya sa lugar na ito.
Sinabi pa niya na pagkaraan ng magkasamang pagsisikap ng panig Tsino at Pilipino, napahupa na ngayon ang sitwasyon, at dapat ipagpatuloy ng dalawang panig ang diplomatikong pag-uugnayan.
Nang mabanggit naman ang magkasanib na pagsasanay militar ng Pilipinas at Estados Unidos na ginanap kahapon sa South China Sea, ipinahayag ni Liu, na ipinalalagay ng panig Tsino na ang kapayapaan, kaunlaran, at kooperasyon ay ang mga paksa sa rehiyon ng South China Sea, at pawa aniyang umaasa ang mga mamamayan sa rehiyong ito na matatamo ang mas maraming bunga sa aspekto ng kapayapaan. "Ang paksang militar ay hindi dapat maging pangunahing paksa sa rehiyong ito," dagdag ni Liu.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |