Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kasalukuyang pagkainitan sa SCS, hindi makakaapekto sa normal na relasyon ng Tsina at mga kapitbansa

(GMT+08:00) 2012-04-17 18:21:31       CRI

Ang insidente ng direktang komprontasyon kamakailan sa pagitan ng maritime patrol ship ng Tsina at bapor na pandigma Pilipinas sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island ng South China Sea ay muling nakatawag ng pagkabahala ng mga tao sa katiwasayan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Pero, ang antas ng kasalukuyang pagkainitan sa karagatang ito ay hindi makakaapekto sa normal na pag-unlad ng relasyon sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito.

Nitong nakalipas na ilang taon, walang tigil na lumikha ng problema sa South China Sea ang Biyetnam at Pilipinas, at nagharap sila ng isyung ito sa pandaigdig na porum hinggil sa multilateral na katiwasayan para makaakit ng pansin ng komunidad ng daigdig. Kasabay nito, nanunuyo Estados Unidos sa mga bansang may direktang alitan sa Tsina sa isyu ng South China Sea. Direkta o di-direkta nitong isinasagawa ang pakikipagkooperasyong militar at panseguridad sa mga bansang ito, at ipinagkakaloob sa kanila ang pagkatig sa pamamagitan ng patakarang pang-estado. Sinasamantala ng iba pang malaking bansa sa paligid ng South China Sea at sa labas ng rehiyong ito ang pagkakataong ito para makialam sa isyu ng South China Sea at makinabang dito.

Pagkaraan ng ilang araw na komprontasyon, sa pamamagitan ng paraang diplomatiko, mataimtim na nagsanggunian ang panig Tsino at Pilipino, at mapayapang nalutas ang kasalukuyang krisis sa makatwirang paraan. Ang mapayapang pagresolba sa insidenteng ito ay nagpapakitang kahit nangingibabaw ang kontradiksyon sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa paligid ng South China Sea, ang mga alitan ay malulutas sa wakas batay sa pangangalaga sa katiwasayan at katatagan. Kung mapapanatili ang ganitong lunas sa mga alitan, ang isyu ng South China Sea ay hindi makakaapekto sa normal na relasyon ng mga bansa.

Sa katunayan, noong 2011, naisakatuparan ng Tsina at Pilipinas ang pagdalaw sa mataas na antas, nagiging pahigpit nang pahigpit ang kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at naging rekord sa kasaysayan ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan. Samantala, may ibayo pang pag-unlad naman ang relasyong Sino-Biyetnamese. Noong nagdaang taon, lumampas sa 40 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Biyetnam, na mahigit 1000 ulit kumpara noong nakaraang 20 taon. Kaya, kung buong taimtim na makikipamuhayan nang mapayapa sa Tsina ang mga bansa sa paligid ng South China Sea, at gagawa ng pagsisikap para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng karagatang ito batay sa paggagalangan at pagkokoordinahan, walang duda, gusto ng Tsina na magpaunlad ng mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon sa kanila batay sa mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>