|
||||||||
|
||
SINABI ni Ginoong Zha Huang, ang Political Officer at Tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Maynila na naniniwala ang kanyang bansang matapat lamang manatiling payapa at maayos ang kalagayan ng Huangyan Island na kilala sa pangalang Scarborough Shoal sa Pilipinas.
Bagama't may 'di pagkakaunawaan ang Tsina at Pilipinas sa Huangyan Island, nagpahayag ang magkabilang panig na huwag na munang gagawa ng kung anong makakapagpainit sa situwasyon.
Mula ng maganap ang insidente, pinanatili ng Tsina ang pakikipag-usap sa mga opisyal na Pilipino, kabilang na si Kalihim Albert F. del Rosario at kinatawan ng Pilipinas sa Beijing. Nagkasundo na umano ang magkabilang panig na idaan sa diplomasya ang paglutas sa problema.
Umalis na umano ang mga bangkang pangisda ng Tsina upang maibsan ang tensiyon doon.
Ikinalungkot ni Ginoong Zha na hindi pa umano umaalis ang mga barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at Philippine Coast Guard hanggang kahapon ng hapon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |