|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas na patuloy ang kasalukuyang alitan ng Pilipinas at Tsina sa Huangyan Island.
"Upang malutas ang nasabing alitan ng Pilipinas at Tsina sa Huangyan Island, nais na naming isumite ang isyung ito sa hukumang pandaigdig." Ito ang sinabi sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ni Albert Del Rosario, Puno ng naturang kagawaran ng Pilipinas.
Sinabi naman ni Voltaire Gazmin, Kalihim ng Kagawarang Pandepensa ng Pilipinas na nagsasagawa ang kanyang bansa ng diplomatikong pagsisikap, para mapayapang malutas ang naturang problema.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa'y positibo ang Tsina sa paglutas sa South China Sea disputes sa pamamagitan ng direktang talastasan, batay sa pandaigdig na batas.
Sa kanyang talumpati sa media, inilahad din ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang mga katutuhanang pangkasaysayan hinggil sa pagkakaroon ng Tsina ng soberanya sa Huangyan Island. Tinukoy din niya na,hanggang noong taong 1997, hindi tinututulan ng Pilipinas ang pagkakaroon ng Tsina ng soberanya, at paggagalugad sa naturang isla. Aniya, paulit-ulit na nagpahayag ang panig Pilipino na ang Huangyan Island ay hindi saklaw ng kanyang teritoryo, kaya, hindi matatanggap ng Tsina ang kahilingan ng Pilipinas sa pagkakaroon ng soberanya sa Huangyan Island sa katwirang "Geominimum," at ilegal ang mga ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |