|
||||||||
|
||
Kaugnay ng plano ng Pilipinas na iharap ang isyu ng Huangyan Island sa International Tribunal for the Law of the Sea, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Huangyan Island ay katutubong teritoryo ng bansa, at hindi makatwiran ang pagharap ng isyung ito sa hukumang pandaigdig.
Ipinahayag ni Liu na may lubos na batayang pambatas ang Tsina sa teritoryo at soberanya ng Huangyan Island. Aniya, pinakamaagang natuklasan at pinangalanan ng Tsina ang Huangyan Island, at pinakamaaga ring inilakip ito sa teritoryo ng Tsina.
Tinukoy niyang bago ang taong 1997, hindi kailanman nagharap ang Pilipinas ng anumang protesta sa soberanya ng pangangasiwa, paggagalugad at paggamit ng Tsina sa Huangyan Island, at maraming beses din na ipinahayag ng Pilipinas na ang naturang isla ay sa labas ng teritoryo nito.
"Kamakailan ay walang tigil ang pagbibigay pahayag ng mga mataas na opisyal ng panig Pilipino hinggil sa isyung ito, at idineklara nilang may soberanya ang Pilipinas sa Huangyan Island. Ito ay pagbubulag-bulagan sa historikal na katotohanan at lumalabag sa batas," dagdag ni Liu. Hinimok din niya ang panig Pilipino na igalang ang teritoryo at soberanya ng Tsina, sundin ang komong palagay ng kapuwa panig, at gawin ang pagsisikap para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea at pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |