Dumating kaninang tanghali sa karagatan ng Huangyan Island ang "Yuzheng 310," pinaka-sulong na fishery administration vessel ng Tsina. Sa susunod na ilang panahon, magsasagawa ang bapor na ito ng pamamatrolya sa naturang rehiyon para mapangalagaan ang interes na pandagat ng bansa, at maigarantiya ang kaligtasan ng mga mangingisda.
Samantala, ang Yuzheng 303, isa pang fishery administration vessel ng Tsina na nanatili sa karagatan ng Huangyan Island nitong ilang araw na nakalipas, ay lumisan na ng rehiyong ito at bumalik sa Guangzhou sa timog Tsina para muling magkarga ng suplay.
Salin: Liu Kai