Isiniwalat kahapon ng Malakanyang na natanggap at sumang-ayon na si Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas sa kahilingan ni Domingo Lee, na alisin ang kanyang pangalan sa nominasyon bilang bagong embahador sa Tsina.
Sa isang preskon kahapon, sinabi ni Tagapagsalita Ramon Carandang, Kalihim ng Presidential Communications Development at Strategic Planning (PCDSP), na sa kanyang liham kamakailan sa Malakanyang, hiniling ni Domingo Lee kay Aquino na alisin ang nominasyon sa kanya bilang embahador sa Tsina. Ani Carandang, sinimulan na rin ng Malakanyang ang paghahanap ng bagong ino-nominate na embahador sa Tsina, at hinihintay na lamang ni Aquino ang listahan ng mga posibleng kandidato mula sa Kagawaran ng mga Suliraning Panlabas.
Salin: Vera