Sinabi kahapon ni Anthony Alcantara, Puno ng North Luzon Command ng Pilipinas, na lumisan na kamakalawa ng gabi mula sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island ang "Sarangani" archaeological ship na ipinadala ng National Museum ng Pilipinas. Lumisan na rin sa karagatang ito ang mga bapor-pangisda ng Pilipinas.
Noong ika-16 ng buwang ito, ipinahayag ng tagapagsalita ng embahada ng Tsina sa Pilipinas, na pumasok sa Lagoon Lake ng Huangyan Island ang isang "archaeological ship" ng Pilipinas para sa umano'y archaeological work. "Ito ay hindi lamang lumapastangan sa karapatan at kapakanan ng panig Tsino, kundi lumabag din sa kinauukulang kombensyong pandaigdig. Ang ganitong kilos ng panig Pilipino ay nakatawag ng lubos na pagkabahala ng panig Tsino sa tunguhin ng kalagayan," dagdag niya. Hiniling din ng panig Tsino sa naturang archaeological ship na agarang lumisan sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island.
Salin: Vera