|
||||||||
|
||
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng Tsina at Brunei na dapat lutasin ang mga hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng direktang mapayapang pagsasanggunian ng mga bansang kasangkot, at dapat ding pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon para mapangalaan ang katatagan at kapayapaan sa lugar na ito.
Ang palagay na ito ay base sa pag-uusap kahapon nina Jia Qinglin, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei.
Sinabi ni Jia na nakahanda ang Tsina na isakatuparan, kasama ng Brunei, ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China SEA (DOC), para pasulungin ang aktuwal na kooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa South China Sea.
Sinabi naman ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah, na sumang-ayon ang Brunei sa paninindigan ng nasabing deklarasyon, at nakahanda nitong pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa isyung ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |