Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga hakbang ng Pinas sa South China Sea, hindi kinakatigan ng ASEAN

(GMT+08:00) 2012-04-20 17:07:08       CRI

Kaugnay ng komprontasyon kamakailan ng Tsina at Pilipinas sa lugar ng Huangyan Island o Scarborough Shoal sa South China Sea, ang mga hakbangin ng Pilipinas na gaya ng pagpapadala ng warship sa lugar na ito, at pananalitang ihaharap ang kasong ito sa International Court of Justice (ICJ), ay hindi nakatanggap ng pagkatig ng ASEAN.

Sa katotohanan, hindi lamang ang kasong ito, kundi maging ang mga iba pang aksyon ng Pilipinas na nauna rito na naglalayong gawing internasyonal ang isyu ng South China Sea, ay labag sa komong palagay at kapakanan ng ASEAN.

Sa ASEAN Summit na idinaos kamakailan sa Phnom Penh, kabisera ng Cambodia, binigyang-diin ni Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia na kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na ang isyu ng South China Sea ay dapat direktang lutasin sa pagitan ng mga bansa ng rehiyong ito at hindi dapat kasangkutan ng mga bansa sa labas ng rehiyon. Bukod dito, inulit ng pahayag ng summit na ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China SEA (DOC) ay siyang pundamental na dokumento sa pagitan ng Tsina at ASEAN hinggil sa isyung ito. Ibig-sabihin, dapat lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng direktang pagsasangguanian at talastasan sa pagitan ng mga bansang may hidwaan sa lugar na ito.

Kaya ang mga buong tigas na aksyon ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea ay hindi lamang labag sa komong palagay ng ASEAN, kundi nakakapinsala rin sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong ito.

Walang duda, ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at ASEAN ay nakakabuti sa pag-unlad ng dalawang panig at pamumuhay ng kanilang mga mamamayan, at ang anumang aksyon na nakakapinsala sa mainam na relasyon ng dalawang panig ay siguradong nakakapinsala rin sa kapakanan, hindi lamang ng Tsina, kundi maging ng buong ASEAN.

Madaling makitang ang kasalukuyang ginagawa ng Pilipinas na gaya ng pagpapadala ng warship sa lugar na pinagtutulunan nila ng Tsina at paggawang internasyonal ng isyu ng South China Sea ay labag sa komong kapakanan ng Tsina at ASEAN.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>