Kaugnay ng pananalita ng Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas na nang-aapi ang Tsina sa kanyang bansa sa isyu ng Huangyan Island, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang sanhi ng kasalukuyang standoff ng dalawang bansa sa karagatan ng Huangyan Island ay paglapastangan ng panig Pilipino sa soberanya ng Tsina at pagsalakay sa mga bapor pangisda at mangingisda ng Tsina.
Umaasa rin aniya siyang tumpak na makakapagsikap ang panig Pilipino para mapahupa ang kasalukuyang tensyon at hindi magpapalabas ng mga pananalitang magliligaw sa opinyong publiko.