
Opisyal na sinimulan kaninang umaga ang magkasanib na pagsasanay-militar sa karagatan, ito ang kauna-unahang pagsasanay-militar sa karagatan ng dalawang bansa. Sa 6 na araw na pagsasanay, lalahok ang dalawang bansa sa joint maritime air defense at defense of marine traffic arteries.
Sinabi ni Ding Yiping, puno ng panig Tsino sa naturang pagsasanay na ang pagsasanay ay hindi makakatuon sa ikatlong panig. Aniya, naglalayon itong mapatupad ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, mapaunlad ang estratehikong partnership at mapalalim ang pagtutulungan ng mga hukbong pandagat, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong pandagat.
Salin: Andrea