Kaugnay ng pagsasagawa kamakailan ng Estados Unidos ng mga pagsasanay militar kasama ng Pilipinas at Biyetnam, ipinahayag kahapon ni Lin Kuo-Chung, eksperto sa pandaigdig na pulitika at dating kalihim ng Disarmament and International Security Committee ng UN General Assembly, na ang naturang mga aksyon ay hahantong lamang sa maling pagkaunawa ng mga bansang Timog Silangang Asyano sa kasalukuyang kalagayan ng South China Sea.
Sinabi ni Lin, na ang naturang aksyon ay para sa patakarang diplomatiko at militar ng E.U. na "bumalik sa Asya." Pero, sa katotohanan, ito ay magdudulot ng sagupaan sa South China Sea, na hindi angkop sa interes ng iba't ibang bansa na kinabibilangan mismo ng E.U..
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, nagsisikap ang Tsina para mapahupa ang tensyon sa South China Sea at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Umaasa aniya siyang makikipagkoordina ang mga may kinalamang bansa sa pagsisikap na ito ng Tsina.
Salin: Liu Kai