Sa overseas edition ng pahayagang People's Daily ng Tsina na inilathala ngayong araw, ipinalabas ang isang komentaryo na nagsasabing ang paghingi ng Pilipinas, Biyetnam, at iba pang bansa ng kani-kanilang soberanya sa mga isla sa South China Sea ay hindi angkop sa pandaigdig na batas at taliwas din sa katotohanan ng kasaysayan.
Anang komentaryo, ang siyang tanging batayan na iniharap ng naturang ilang bansa para sa kanilang kahilingan ay regulasyon sa United Nations Convention on the Law of the Sea hinggil sa exclusive economic zone at continental shelf, pero, sa katotohanan, mali ang paggamit nila ng regulasyong ito. Dahil, batay sa naturang convention, puwedeng itatag ng isang bansa ang 200-nautical-mile na exclusive economic zone, pero hindi sinasabi ng convention na puwedeng humingi ng soberanya o sakupin ng isang bansa ang teritoryo ng ibang bansa sa loob ng exclusive economic zone. Dagdag pa ng komentaryo, ang mas epektibong prinpisyo para matiyak ang pagmamay-ari ng isang teritoryo ay ang pinakamaagang pagtaklas, pagsakop at pamamahala. Kaya, batay dito, ang mga isla sa South China Sea ay kabilang sa Tsina, dahil halos 1000 libong taon na ang nakaraan nang matuklasan, sakupin, at pamahalaan ng Tsina ang mga islang ito.
Salin: Liu Kai