|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Zhang Hua, Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na di katulad ng sinabi ng ilang tao, kasalukuyang pinahuhupa ng Tsina ang sitwasyon sa Huangyan Island, South China Sea, sa halip na pinalalala ang maigting na sitwasyon doon.
Ayon kay Zhang, lumisan na ng rehiyong pandagat ng Huangyan Island ang "Yuzheng 310" at isa pang marine surveillance vessel ng Tsina. Sa kasalukuyan, isang fishery administration vessel lamang ang nananatili sa rehiyong ito para magpatupad ang batas. "Nakahanda ang Tsina na lutasin ang insidenteng ito sa diplomatikong paraan." ani Zhang.
Sa isang regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Tagapagsalitang Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang insidente ng Huangyan Island ay may kinalaman sa teritoryo at soberanya ng Tsina. Malinaw at matatag aniya ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa teritoryo at soberanya ng bansa.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |