|
||||||||
|
||
Pinabulaanan kahapon ni Alexander Pama, Vice Admiral ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas, ang balitang umano'y nagpadala muli ang Pilipinas ng bapor at eroplanong pandigma sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island.
Nauna rito, lumutang ang balitang sinabi umano ni Pama sa isang panayam sa ABS-CBN noong ika-21 ng buwang ito, na nagpadala ang Pilipinas ng dalawang barkang pandigma at isang antisubmarine plane sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island, para i-reinforce ang search and rescue boat na nakatalaga roon.
Ayon naman sa balitang nakalap ng Xinhua News Agency mula sa isang personaheng malapit kay Pama, hindi umano sinabi ng vice admiral ang mga ito at hindi rin siya nagpadala ng ganitong mga kagamitan sa Huangyan Island.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |