Sinabi ngayong araw ni Liu Jianchao, Embahador na Tsino sa Indonesya, na nitong nakalipas na ilang taon, mabilis na umuunlad ang bilateral na kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Aniya, noong 2011, umabot sa 362.9 na bilyong dolyares ang halaga ng kanilang kalakalan, na lumaki ng 24% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, at ngayon ang ASEAN ay ika-3 nang pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng Tsina.
Ayon pa kay Liu, patuloy na lumalawak ang saklaw ng pamumuhunan ng Tsina at ASEAN sa isa't-isa. Hanggang katapusan ng Pebrero, lampas sa 87 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng dalawang panig. Bukod dito, mainam ang kanilang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura.
Salin: Andrea