|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Zhang Hua, Tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na lumisan kamakalawa ng hapon ng Huangyan Island pauwi ang dalawang law enforcement vessels ng Tsina. Aniya, nagkokonsetra pa rin ang Tsina sa pagpapahupa ng maigting na kalagayan at pagreresolba sa isyu ng Huangyan Island sa paraang diplomatiko. Pero nitong nakalipas na ilang araw, may tangka ang panig Pilipino na magpasidhi ng kontradiksyon. Ginamit ni Albert F. Del Rosario, Kalihim ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas ang pagkakataon ng kanyang pagdalaw sa Estados Unidos para tikis na magpamalaki ng umano'y isyu ng kalayaan sa paglalayag sa South China Sea.
Ipinahayag ni Zhang Hua na kamakalawa ng hapon, lumisan na ng Huangyan Island ang fishery administration ship "Yuzheng 310" at isa sa dalawang maritime surveillance ship ng Tsina, at sa kasalukuyan, isa lamang Chinese maritime surveillance ship ang nagsasagawa ng tungkulin sa islang ito.
Dagdag pa ni Zhang na handang handa na ang panig Tsino para mapahupa ang insidenteng ito sa pamamagitan ng pagsasangguniang diplomatiko. Ang pag-urong ng dalawang bapor na Tsino mula sa pinangyayarian ay muling nagpapakitang nagsisikap ang Tsina para mapahupa ang kalagayan, sa halip ng pagpapalala ng maigting na kalagayan.
Ayon sa ulat kahapon ng website ng ABS-CBN ng Pilipinas, sa panahaon ng kanyang pagdalaw sa Amerika, ipinahayag nang araw ring iyon ni kalihim Del Rosario na ang kasalukuyang komprontasyon ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea ay nagpapakitang "nagiging napakalaking banta sa maraming bansa ang Tsina." Sinabi niyang kung nais mapangalagaan ng anumang bansa ang kanilang kalayaan sa paglalayag sa South China Sea, dapat pag-ukulan nila ng pansin ang kasalukuyang komprontasyon.
Patuloy na nanawagan naman ng ilang media ng Pilipinas na dapat isadaigdig ang isyu ng South China Sea. Nagpalabas kahapon ng editoriyal ang pahayagang "Inquirer" na nagsasabing dapat buong lakas na hanapin ng Pilipinas ang iba't ibang porma ng arbitasyon at pakikialam mula sa komunidad ng daigdig para mapalakas ang mabisang pangangasiwa nito sa Huangyan Island.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pakikialam ng iba pang bansa sa mga isyung may kinalaman sa soberanya ay magpapasalimuot at magpapalaki lamang ng isyung ito, at hindi makakabuti sa maayos na paglutas ng mga problema.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |