Ipinahayag ngayong araw ni Fan Liqing, Tagapagsalita ng Taiwan Affairs Office ng State Council ng People's Republic of China, na kung magkakaroon ng pagsisikap ang Democratic Progressive Party o DPP, para itakwil ang paninindigang "Pagsasarili ng Taiwan," magiging positibo ang tugon ng mainland ukol dito.
Ipinahayag ni Fan, na ang mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang ay angkop sa kapakinabangan ng mga mamamayan, at natamo nito ang pagkatig ng mas maraming mamamayan ng Taiwan. Aniya pa, sakaling gusto ng mga miyembro ng DPP na dumalaw sa mainland, welkam silang pumunta rito.
Salin: Andrea