|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, sa kabila ng pagsisikap ng bansang Tsina para malutas ang isyu ng Huangyan Island o Scarborough Shoal sa paraang diplomatiko, patuloy na lumilikha ang Pilipinas ng mga problema. Sinabi ng panig militar ng Pilipinas na nagpadala na ng dalawang bapor sa nasabing lugar, bagay magpapalala ng kalagayan ng South China Sea.
Nauna rito, sinabi ni Albert Del Rosario, Kalihim ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas na sa South China Sea, ang Tsina ay isang makaling panganib para sa maraming bansa. Ang aksyong ito ay naglalayong isadaigdig ang isyu ng South China Sea. Ito ay salungat sa pundamental na prinsipyo ng Declaration of Conduct of the Parties in the South China Sea (DOC). Walang duda, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang lumagda sa DOC.
Ang nabanggit na pundamental na prinsipyo na tinanggap ng Tsina at ASEAN ay kinabibilangan ng pagtitimpi, hindi paggawa ng anumang aksyon para palalain at pasalimuotin ang isyung ito, at sirain ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ang Huangyan Island ay isang di-maibubulaanang bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ang kasalugyang komprontasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay bunga ng pangangambala ng panig Pilipino sa regular na pangingisda ng mga Chinese fishing boat sa katubigan ng Huangyan Island.
Ayon sa mga narating na pandaigdigang kasunduan na may kinalaman sa saklaw ng teritoryo ng Pilipinas, gaya ng "Tratado ng Estados Unidos at Espanya sa Paris" noong taong 1898, "Tratado ng Estados Unidos at Espanya sa Washington" noong 1900, at "tratado ng Britanya at Estados Unidos" noong 1930, hindi nailagay ang Huangyan Island sa teritoryo ng Pilipinas. Bago ang taong 1997, hindi tinututulan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng Tsina ng soberanya, at paggagalugad sa islang ito. Kaya ang pag-angkin ng Pilipinas sa teritoryo ng Huangyan Island ay pangunahing dahilan ng paglala ng kalagayan ng lugar na ito.
Sa katotohanan, ang kasalukuyang aksyon ng Pilipinas sa South China Sea ay nakakapinsala ng mahalagang komong palagay at kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Kaya dapat malutas ang isyung ito alinsunod ng DOC at ito ang angkop sa komong kapakanan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |