|
||||||||
|
||
Noong ika-16 ng buwang ito, sinimulan ang magkasanib na pagsasanay militar na may codename na "Balikatan" na isinagawa ng Pilipinas at Estados Unidos, at ito ay nakatawag ng malawakang pagtutol ng sirkulong di-pampamahalaan ng Pilipinas. Hinihiling ng ilang media at personaheng Pilipino na kanselahin ang ganitong pagsasanay.
Nagpalabas kamakalawa ang pahayagang "Malaya" ng Pilipinas ng artikulong nakasaad na "dapat tayong gumawa ng lahat ng paraan para makipagtalastasan sa Tsina, at dapat maging mataimtim at may-kompiyansa ang ating bansa." Ito anito ang "tumpak na opinyon."
Bukod dito, hiniling kamakalwa ng Tagapangulo at Pangalawang Tagapangulo ng Philippine Fisheries Union, kay Pangulong Aquino III na ipag-utos sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na kanselahin ang "Balikatan."
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |