|
||||||||
|
||
Mahigit 10 araw na ang komprontasyon ng Tsina at Pilipinas dahil sa harassment ng bapor pandigma ng Pilipinas sa bapor pangisda ng Tsina sa Huangyan Island ng South China Sea, at nananatili pa rin ito sa stalemate hanggang ngayon.
Maliwanag ang paninindigan ng Tsina hinggil sa insidenteng ito: una, ang Huangyan Island at mga pulo sa paligid nito ay teritoryo ng Tsina sapul noong sinaunang panahon. Ikalawa, hinihimok ng Tsina na lutasin ang isyung ito sa paraang diplomatiko. Hanggang ika-23 ng buwang ito, isang surveillance ship ng Tsina lamang ang nananatili sa Huangyan Island. Ipinakita nito kung gaano katimpi ang Tsina hinggil sa insidenteng ito.
Sa kabila nito, pinalalawak at pinasasalimuot ng Pilipinas ang insidenting ito: Una, nagpadala ito ng bapor na pandigma sa Huangyan Island. Ikalawa, nagpatalastas ang opisyal ng Pilipinas na ihaharap nila ang isyung ito sa hukuman ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Ikatlo, ipinagkakalat ng Pilipinas ang mga balitang umano'y "panganib ng Tsina sa ibang mga bansa." Ika-4, nagpadala ito ng mas maraming bapor sa Huangyan Island. Dahil dito, lumalala ang situwasyon.
Nagharap na kamakalawa ang Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ng solemnang representasyon sa Pilipinas, at humiling ditong isagawa ang mga hakbangin para mapanumbalik ang kapayapaan ng rehiyong ito. Ayon pa kay Liang Guanglie, Ministrong Pandepensa ng Tsina, na nilulutas sa kasalukuyan ang isyung ito ng Ministring Panlabas at mga may kinalamang departamento ng Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |