Kaugnay ng kasalukuyang stand-off sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa karagatan ng Huangyan Island, sinabi kahapon ng tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pagtatanggol sa teritoryo at soberanya, at pangangalaga sa karapatang pandagat ng bansa ay tungkulin ng hukbong Tsino.
Aniya, buong higpit na makikipagtulungan ang hukbo sa mga departamento ng fishery administration at maritime surveillance, para magkakasamang mapangalagaan ang karapatang pandagat ng bansa.
Salin: Liu Kai