Patuloy sa pagpapalabas ng panig opisyal ng Pilipinas ng pananalitang di-makakabuti sa paglutas sa standoff sa Huangyan Island.
Ayon sa ulat kahapon ng Philippine media, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng Tsina na huwag gawing internasyonal ang isyu ng Huangyan Island, sinabi pa rin nang araw ring iyon ni Albert del Rosario, Kalihim ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas, na sa "Two Plus Two" meeting ng kanyang bansa at Estados Unidos na idaraos sa susunod na linggo, hahanapin niya ang tulong na militar ng E.U..
Patuloy ding binatikos ni Del Rosario ang Tsina at sinabi niyang ang kasalukuyang hidwaan ng dalawang bansa ay magdudulot ng hadlang sa paggamit ng ibang bansa ng masusing maritime transportation line.
Salin: Liu Kai