Kaugnay ng plano ng Pilipinas na iharap sa pandaigdig na hukuman ang isyung may kinalaman sa soberanya ng Huangyan Island, binigyang-diin ngayong araw ni Tagapagsalita Liu Weimin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Huangyan Island ay likas na teritoryo ng kanyang bansa, at ang paghaharap ng Pilipinas ng ilegal na kahilingan sa teritoryo ng islang ito ay labag sa saligang norma ng relasyong pandaigdig.
Nitong ilang araw na nakalipas, paulit-ulit na ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino na dapat tumpak na igalang ng Pilipinas ang soberanya ng Tsina, at huwag isagawa ang mga aksyong magpapalawak at magpapasalimuot ng kasalukuyang kalagayan, para mapanumbalik sa lalong madaling panahon ang kapayapaan at katahimikan sa karagatan ng Huangyan Island.
Ngunit, sinabi kahapon ni Albert del Rosario, Kalihim ng Suliraning Panlabas ng Pilipinas, na ang aksyon ng Tsina sa Huangyan Island ay paglabag sa Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea, at isinasaalang-alang ng Pilipinas na tanggapin ang medyasyon ng ASEAN para sa paglutas ng standoff sa Huangyan Island. Ayon naman sa ulat ng Philippine media, handa-handa na ang Pilipinas na iharap sa pandaigdig na hukuman ang isyung may kinalaman sa soberanya ng Huangyan Island, at iaabot nito sa panig Tsino ang may kinalamang dokumento.
Salin: Liu Kai