|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na ilang araw, walang tigil na lumilikha ang Pilipinas ng bagay na nagpapasidhi sa alitan nila ng Tsina sa Huangyan Island. Nagtatangka itong gamitin sa abot ng makakaya ang puwersang panlabas para mapalawak, mapasalimuot at maisadaigdig ang alitan sa islang ito, at sakupin ang teritoryong hindi nabibilang sa sarili, sa kasaysayan man, o sa batas.
Ang paggamit ng puwersang panlabas sa mga alitang pandaigdig ay hindi makakatulong sa pagresolba ng krisis. May ganitong karanasan ang Pilipinas sa aspektong ito. Napasailalim ito minsan sa paghaharing kolonyal ng Estados Unidos sa loob ng kalahating siglo. Pagkatapos ng pagsasarili ng Pilipinas noong 1946, nanatili pa rin nang mahabang panahon ang tropang Amerikano sa base militar ng Subic Bay sa Luzon Island ng Pilipinas sa katwirang "pangangalaga sa katiwasayan ng Asya", bagay na nag-iwan ng napakalaking kalungkutan sa mga residenteng lokal. Ito rin ang dahilan ng matinding protesta ng mga mamamayang Pilipino sa pagpapalakas ng pamahalaan ng kooperasyong militar sa Amerika. Karapat-dapat na pulutin ng pamahalaang Pilipino ang aral ng kasaysayan sa aspektong ito.
Pagkaganap ng insidente ng Huangyan Island, maraming beses na iniharap ng pamahalaang Tsino ang solemnang representasyon sa panig Pilipino, at humihiling sa kanila na itigil ang paglikha ng alitan at panumbalikin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito. Upang mapahupa ang maigting na kalagayan, kusang-loob na pinaurong ng panig Tsino ang dalawang law enforcement vessels mula sa karagatan ng Huangyan Island. Pero ang mithiin ng Tsina sa paglutas sa alitan sa paraang diplomatiko ay hindi nangangahulugang mahina ang Tsina. Dapat linawin ng kinauukulang panig na ang isyu ng Huangyan Island ay may kinalaman sa teritoryo at soberanya ng Tsina, at buong tatag ang determinasyon ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa.
Ang Pilipinas ay kapitbansa ng Tsina. humihigpit nang humihigpit ang pag-uugnayan ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng kabuhayan, at napakalawak ng prospek ng kanilang kooperasyon. Umaasang susundin ng panig Pilipino ang komong palagay ng dalawang bansa sa hindi pagsasagawa ng alinmang aksyong posibleng magpasalimuot at magpalawak ng kalagayan, hindi gagawa ng anumang aksyong magpapasidhi ng kalagayan, at magsisikap para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea at pag-unlad ng bilateral na relasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |