Ayon sa ulat kahapon ng Thailand, dinakip ng panig pulisya ng Laos si Nor Kham, isang drug lord mula sa Golden Triangle na pinaghihinalaang siyang nasa likod ng insidente sa Mekong River na ikinamatay ng 13 tripolanteng Tsino.
Ayon pa rin sa ulat, nagpadala na ang panig pulisya ng Thailand ng tauhan sa Laos para kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng nadakip na suspek. Pero, sinabi naman ng panig opisyal ng Thailand na hindi pa kumpirmado ang ulat na ito.
Ang nabanggit na insidente sa Mekong River ay naganap noong Oktubre ng nagdaang taon at may hinala ang panig pulisya ng Thailand na ang drug trafficking group ni Nor Kham ay ang siyang may kagagawan nito.